https://kotlinlang.org logo
#philippines
Title
# philippines
j

JM Santos

04/05/2019, 6:03 AM
Active pa ba kayo dito? hehehe
👍 3
j

jemaystermind

04/05/2019, 6:32 AM
Kunti lang yung active.
g

gumil

04/05/2019, 7:39 AM
Yes we are
j

JM Santos

04/05/2019, 7:48 AM
Anong ginagawa niyo ngayon kotlin? haha
g

gumil

04/05/2019, 8:09 AM
Sinusubukan kong gumawa ng isang multiplatform na proyekto. Kasalukuyan ako’y nahihirapan sa web frontend dahil di ako pamilyar sa environment nito
at sobrang exciting na magkakaron na ng mga cold streams ang coroutines https://kotlin.github.io/kotlinx.coroutines/kotlinx-coroutines-core/kotlinx.coroutines.flow/-flow/index.html
j

JM Santos

04/05/2019, 8:13 AM
Kaka start ko lang ng kotlin last month, di pa ako masyado familiar sa ganyan hehe, ano simplest definition niyan? in terms of front-end pwede ako maka help.. doon ako galing 😄
aaah transformations.. Functional
g

gumil

04/05/2019, 8:19 AM
uu, dahil sa coroutines walang way mag emit ng streams unless gumamit ng channels pero hot streams sya.
Nice. ngayon sinusandan ko lang yung vanillajs todomvc para lang maging familiar sa webpack at npm
j

JM Santos

04/05/2019, 8:28 AM
anong ibig sabihin kapag hot streams? hindi pwedeng galawin? so pag cold stream pwedeng itransform? anong cases useful yung ganun?
try mo yung free code camp for js 😄
g

gumil

04/05/2019, 8:31 AM
pag hot streams kasi lagi syang bukas. pag cold streams, lazy yung operations. kung kailan mo lang sya tinwag dun lang sya magstart.
na overwhelm ako sa freecodecamp, sobrang dami ng topics.
ang goal ko naman ay kotlin code pa din eh, yung environment lang talaga di pa ko familiar tulad sa pagrender ng html
at CSS huhu.
j

JM Santos

04/05/2019, 8:38 AM
Hindi ko masyado gets pa rin yung hot/cold streams hehe
ano bang na e encounter mo diyan? marunong ako diyan baka makatulong 😄
g

gumil

04/05/2019, 8:57 AM
Pag hot streams: parang event bus. bukas siya palagi, pag nagsend ka ng value sa hot stream, isesend nya din agad sa mga naka listen sa kanya. Pag cold streams: lazy yung pagexecute ng operations. For example, mag execute ka ng mahabang process, kung kailan ka magsubscribe dun lang din sya magsisimula.
👍 1
Ganito na lang siguro. Ang natapos ko pa lang gawin ay yung getting started ng webpack, kung pano magload ng CSS at Images na bundled ng webpack. dun pa lang alam ko. Natatatatkot pa ko pumasok sa react, vue, etc.
j

JM Santos

04/10/2019, 7:57 AM
Ngayon ko lang nakita, hehe salamat sa info @gumil 👍 Nako, ang dugo ng webpack masyadong matagal yang part na yan natagalan din ako diyan dami kasi masyado hehe
3 Views